Hindi tiyak na ngalan sa tao, bagay, hayop, pook o pangyayari

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang hindi tiyak na ngalan sa tao, bagay, hayop, pook o pangyayari?

Sagot verified answer sagot

Hindi tiyak na ngalan sa tao, bagay, hayop, pook o pangyayariAng hindi tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari ay tinatawag na pangngalang pambalana. Ang pangngalang pambalana ay tinatawag na common noun sa English.

Karaniwan ding nagsisimula sa maliit na titik ang pangngalang pambalana. Ito rin ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, pook, lugar, bagay, at pangyayari.

Tinatawag din ito minsan bilang pangngalang di-tiyak sapagkat walang tiyak na impormasyon tungkol sa pangngalang ito dahil kung minsan, wala itong kasarian o anumang pantukoy.

Ang kabaligtaran naman ng pangngalang pambalana ay pangngalang pantangi na isang tiyak na pangngalan naman. Ito ay karaniwang nagsisimula mana sa malaking titik.