Isang mahabang salaysay ang kuwento ng Hudhud na dinadakila ng mga Ifugao sa Cordillera. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Aliguyon.
Siya ay anak nina Dumulao at Amtalao. Naging biyaya siya sa mag-asawa. Lumaking matalino, matapang, at masipag na anak ni Aliguyon. Mahilig siyang mag-aral at makatuklas ng iba’t ibang bagay.
Habang nagbibinata, inihanda na rin siya ng kaniyang ama sa pagiging isang bihasang pinuno. Tinuturuan siya nito ng mga pamamaraan sa pakikipaglaban at paggamit ng mahika at kinukuwentuhan ng mga salaysay ng kabayanihan upang maging inspirasyon.
Nang nagbinata na si Aliguyon, siya na ang namuno sa kanilang hukbo upang kaharapin ang kanilang mga kaaway. Minsan ay hinamon ni Aliguyon sina Galigdigan at Pangaiwan sa isang labanan.
Gayunman, hindi humarap ang dalawa at ang anak lamang ni Pangaiwan na si Pumbakhayon ang humarap.
Katulad ni Aliguyon at mahusay din makipaglaban si Pumbakhayon at maalam din sa mahika. Nagtunggali ang dalawa.
Dahil sa kanilang angking husay sa pakikidigma, inabot ang kanilang paghaharap ng tatlong taon. Sa loob ng mahabang panahon na iyon ay walang natinag sa kanila.
Dahil batid nilang hindi nila matatalo ang isa’t isa, nagkasundo na lamang ang dalawa na ihinto ang laban at magkaroon ng kapayapaan sa kani-kanilang nasasakupan.
Dahil sa kasunduan ay mas naging maunlad ang Hannanga at Daligdigan. Ikinasal si Aliguyon sa kapatid ni Pumbakhayon na si Bugan habang si Pumbakhayon naman ay ikinasal kay Aginaya na kapatid ni Aliguyon.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Hudhud Ni Aliguyon. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!