Hutch wika sariling paliwanag

Katanungan Sagot

Katanungan

Hutch wika sariling paliwanag

Sagot verified answer sagot

Hutch wika sariling paliwanagAyon kay Hutch, ang wika raw malimit na binibigyan ng kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo, na ginagamit sa komunikasyong pantao.

Ang pakahulugan ko rito ay ang wika ay anumang tunog na mula sa mga titik, salita, pararila, at mga pangungusap na isinaayos upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang dalawang nag-uusap.

Mahalaga ang pagsisinop ng mga titik at salita upang maging mabisa ang komunikasyong pantao. Kailangang nauunawaan ng iyong kausap ang tunog na iyong nililikha upang mas maging malinaw ang komunikasyon o kanilang pag-uusap.

Kung ang tunog ay kaya nang unawain ng isang tao, masasabi nating mayroon nang nabuong maayos na komunikasyon sa dalawang nag-uusap.