Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo – Kahulugan

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino po ang nagsabi at kahulugan ng “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo”

Sagot verified answer sagot

Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo - KahuluganIsa sa mga winika ni John F. Kenedy ang linyang ito. Ito ay nangangahulugang hindi dapat sinusukat ng isang tao kung ano ba ang maidudulot ng isang bansa para sa isang indibiduwal para ipaglaban niya ito.

Hindi dapat sukatin ang mga bagay na naibibigay sa iyo ng bansang sa una pa lamang ay may malaking bahagi na sa iyong buhay. Ang mga bagay na naibibigay sa atin ng ating bansa ay hindi masusukat at hindi dapat masusukat—pagkakakilanlan, kultura, sining, pamumuhay—na kailanman ay hindi matutumbasan ng anupaman.

Kaya naman hindi na dapat itanong pa ang mga ito, at dapat ay nararamdaman na. Kaya dapat ipaglaban ang bansa, anuman ang maging kapalit at dahilan nito.