Iba pang katawagan sa latitude?

Katanungan Sagot

Katanungan

Iba pang katawagan sa latitude?

Sagot verified answer sagot

Guhit Parallel ang ibang katawagan sa latitude.

Ang latitude o guhit parallel ay mga pahalang na mga putol-putol na linyang makikita sa globo o kaya naman ay sa mapa.

Ito ay may iba’t ibang uri kagaya ng tropiko ng kanser na ang sukat ng mga guhit ay tinatayang nasa 23 ½ degree pahilaga mula sa ekwador.

Ang tropiko ng kaprikornyo na ang distansiya mula sa timog na bahagi ng ekwador ay 23 ½ degree. Kabilugang Artiko na nasa hilaga rin ng ekwador ngunit nasa layong 66 ½ degree. Kabilugang antartiko na nasa timog naman na may layong 66 ½ degree.