Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di binalangkas na uri ng panayam?

Katanungan

ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di binalangkas na uri ng panayam?

Sagot verified answer sagot

Ang binalangkas na pakikipanayam ay isang paraan ng pagtatanong na kung saan ang mga katanungan o mga bagay na nais bigyang kasagutan ay tiyak na nakasulat sa isang listahan na kung saan ang tagapanayam ay magtatanong lamang base sa mga nakatala sa listahan at susundin ang bilang o ayos ng mga tanong.

Sa kabilang banda, ang di-binalangkas na pakikipanayam ay isang uri ng pagatatanong na gumagamit din ng talaan o listahan ng mga katanungan subalit ito ay hindi nangangailangan na sumunod ayon sa pagkakatala ng bawat tanong.

Ang binalangkas at di-binalangkas na pakikipanayam ay isang uri ng pagtatanong na mahalaga sa isang pananaliksik.