Katanungan
ikalawang pangkat dumating sa pilipinas?
Sagot
Ang ikalawang pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Indones.
Ang grupo ng mga Indones na nakarating sa bansa ay nahati sa dalawang pangkat. Ang unang grupo ay kakikitaan ng makabagong uri ng pamumuhay kung ikukumpara sa unang pangkat ng taong nakarating sa bansa na tinawag na Negritos.
Sila ay pinaniniwalaang nagpasimula ng pagtatayo ng mga bahay sa taas ng puno at kinilala bilang mga ninuno ng liping Ilongo.
Ang ikalawang pangkat naman ay pinaniniwalaang nanirahan sa mga baybayin ng Luzon. Kung ilalarawan ang kanilang pamumuhay, higit diumanong mas maunlad sila kaysa sa unang pangkat. Ayon sa mga tala, sila ang kinikilalang nagtayo ng sikat na Hagdan-hagdang Palayan na matatagpuan sa Banawe.