Ilang buwan na lamang ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain?

Katanungan

ilang buwan na lamang ang paglalakbay mula maynila patungong spain?

Sagot verified answer sagot

Ang pagbubukas ng Suez Canal ang siyang naging dahilan kaya ang paglalakabay mula Pilipinas patungo sa Espanya o mula Espanya papuntang Pilipinas ay inaabot na lamang ng isang buwan.

Dati-rati, ilang buwan pa ang inaabot nito na laking perwisyo lalo na sa mga produktong madaling masira. Kaya naman laking ginhawa sa kalakalan at palitan na nagbukas ang Suez Canal.

Mas naging mabilis ang daloy ng produkto at pagpapalitan ng iba pang mga kagamitan o likas na yaman.

Pati ang mga balita na nagmumula sa gobyerno ng Espanya ay naging mabilis ang pagdating sa Pilipinas. Baarko o galyon ang pangunahing transportasyon na gamit noon.