Katanungan
ilang ektarya ang sukat ng pilipinas?
Sagot
Ayon sa mga dalubhasa, ang sukat ng Pilipinas ay umaabot sa humigit kumulang 300,000 kilometro kuwadradro o 30 million na hektarya.
Ang sukat na ito ay binubuo ng buong lupain mula sa pinakahilaga ng Luzon, papuntang Visaya, hanggang sa kasuluk-sulukan ng Mindanao.
Sa tatlong pinaka pangunahing isla ng Pilipinas, ang pinakamalaki ang nasasakupan ay ang Luzon kung saan makikita ang kabisera ng bansa na Maynila.
Kung ikukumpara ang sukat ng Pilipinas sa ibang mga bansa, sinasabing ito ay mas malaki kaysa sa Great Britain ngunit mas maliit kaysa sa Japan. Ang laki ng ating bansa naman ay sinasabing halos kapareho ng bansang Italya sa Europa.