Ilang elemento meron ang isang bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

ilang elemento meron ang isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Mayroon itong apat na elemento: ang tao, pamahalaan, soberanya, at teritoryo.

Ang mga tao ang pinagkukuhaan ng lakas pag gawa ng isang bansa kaya mahalaga itong kasangkapan dahil sila ang nagpapasya kung ano ang mga gagawin o polisiya na ipapataw sa isang bansa.

Sila rin ang bumubuo sa pamahalaan, kung paano patatakbuhin ang isang bansa at pamumunuan ito. Sa soberanya naman ay ito ang sariling kakayahan ng isang bansa na pamunuan ang kaniyang sarili, na ang mga taong nakatira lamang sa bansa na iyon ang siyang mamumuno at may karapatan kumontrol dito.

Hindi pwede mangingialam ang ibang bansa sa pag kontrol din ng isang bansa. Sa teritoryo naman ay ito ang lupain na pagkukuhaan ng likas na yaman at pundasyon ng mga tao upang makapagtatag ng sibilisasyon.