Katanungan
ilang elemento ng pagkabansa ang taglay ng pilipinas?
Sagot
Ang Pilipinas ay binubuo ng apat na elemento upang matawag itong bansa. Ang mga sumusunod na elemento ay tao, soberanya o ganap na kalayaan, pamahalaan, at teritoryo.
Ang tao ay tumutukoy sa mga mamamayan na maiuugnay naman sa isa pang elemento—ang teritoryo. Malawak ang lupain na sakop ng ating bansang Pilipinas.
Ang teritoryo at mga tao (na kilala bilang mga Pilipino) ay pinamumunuan ng nasyonal at lokal na pamahalaan.
Ang elementong soberanya o ganap na kalayaan naman ay tumutukoy sa kapangyarihan ng mga mamamayan na mag-halal o magluklok ng mga taong magsisilbi sa taumbayan sa ilalim ng pamahalaang itinatag.