Ilang kilometro ang kanilang nilakad?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ilang kilometro ang kanilang nilakad?

Sagot verified answer sagot

100 km ang nilakad ng mga sundalo sa panahon ng mga hapon. Nang magwagi ang mga hapones sa digmaan, ang pagsuko ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na may tinatayang bilang na 36,000 ay naging hudyat ng pagkakaroon ng martsa ng kamatayan o sa ingles ay Death March.

Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkamatay ng maraming sundalo sa panahon ng mga hapones sapagkat mula Mariveles, Bataan sila ay pinaglakad o pinag-martsa hanggang San Fernando, Pampanga ng walang pahinga, pagkain, at kahit tubig man lamang.

Ang mga sundalong mahuhuling nagpapahinga ay pinapalo ng walang awa. Sa kabilang banda, sa labis na pagkauhaw, ang ilang mga sundalo ay napilitang uminom mula sa mga tubig na makikita sa imburnal.