Ilarawan ang bentahe ng heograpiyang Indus sa heograpiya ng Mesopotamia

Katanungan Sagot

Katanungan

Ilarawan ang bentahe ng heograpiyang Indus sa heograpiya ng Mesopotamia

Sagot verified answer sagot

Ilarawan ang bentahe ng heograpiyang Indus sa heograpiya ng MesopotamiaAng masasabing bentahe o mas magandang katangian ng heograpiya ng Indus kompara sa heograpiya ng Mesopotamia ay ang pagkakaroon nang mas malawak na lupain.

Kung ihahambing ang sakop ng Indus, mas malaki at mas malawak ito kompara sa Mesopotamia dahil sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.

Hindi naman nagkakalayo sa pagkakaroon ng matabang lupa ang Indus at Mesopotamia. Nasa paligid rin nito ang Indus River na umaapaw rin na nagiging dahilan naman upang mas tumaba ang lupain at maging angkop sa pagtatanim. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon umaapaw ang ilog.