Katanungan
ilarawan ang isang taong matapat magbigay ng halimbawa?
Sagot
Ang isang taong matapat ay gumagawa ng isang pagkilos na kahit walang nakatingin ay maayos niya ito ginagawa.
Dagdag pa ang pagsasabi nang totoo kahit siya ang may gawa ng isang hindi magandang bagay at panagutan niya ang kaniyang sarili.
Halimbawa na lamang sa mga politiko na may kakulangan sa kanilang serbisyo para sa mga tao, mahalaga na aminado sila rito upang mas mapahusay pa nila ang kanilang sarili, i-wasto ito, at makinig sa sentimyento ng mamamayan.
Bukod pa rito, maaari rin ito mangyari sa mga indibidwal na makapulot ng pera sa daan, hahanapin at ibabalik nila ito sa may-ari o kaya ibibigay sa may awtoridad upang maibalik sa may-ari.