Ilarawan ang mga katutubong Pilipino?

Katanungan Sagot

20

Katanungan

ilarawan ang mga katutubong pilipino?

Sagot verified answer sagot

Mayaman sa mga kultura at tradisyon ang ating bansang Pilipinas. Marami tayong mga pangkat etniko o mga katutubong Pilipino na may iba’t-ibang mga kinagisnan at kasaysayan.

Ang mga pangkat etniko o mga katutubong Pilipino ay kadalasan makikita sa iba’t-ibang mga rehiyon. Halimbawa nalang, sa gawing norte ng Pilipinas ay makikita ang isa sa mga pinakatanyag na katutubong Pilipino: ang mga Aetas.

Sila ay inilalarawan bilang may mga kulot na buhok at naka-bahag. Sa gawing timog naman ng bansa ay prominente ang mga Badjao.

Sila ay kilala bilang naninirahan sa itaas ng mga anyong tubig at pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay.