Ilarawan ang naganap na Rebolusyon sa EDSA. Bakit hinangaan ng buong mundo ang mga Pilipino sa pangyayaring ito?

Katanungan

Ilarawan ang naganap na Rebolusyon sa EDSA. Bakit hinangaan ng buong mundo ang mga Pilipino sa pangyayaring ito?

Sagot verified answer sagot

Ang Rebolusyon sa EDSA noong taong 1986 ay isang payapang rebolusyon na kung saan inabot ng apat na araw ang demonstrasyon ng mga mamamayan sa EDSA upang mapa-alis sa katungkulan si Pangulong Marcos.

Ito ay naglalaman ng iba’t ibang serye ng rebolusyon na nilahukan ng mga militar, alagad ng simbahan, at mga sibilyan na tinatayang umabot sa bilang na tatlong milyon.

Ang ilan sa mga nakilahok ay walang bitbit na sandata, ang iba naman ay may hawak na rosary gayundin ang imahe ng Mahal na Birhen.

Nagkaroon din ng pagdarasal o vigil. Sinasabing hinangaan ang pangyayaring ito dahil sa pagkakaisa ng mga tao at ang pagdaraos ng isang rebolusyong mapayapa na hindi nangangailangan ng digmaan.