Ilarawan ang pag iibigan nina Romeo at Juliet?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ilarawan ang pag iibigan nina romeo at juliet?

Sagot verified answer sagot

Kung ilalarawan ko lamang sa isang salita ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet, ay ito ay trahedya, na siya rin namang kategorya ng akda.

Ang Romeo at Juliet ay isang lathalain ng tanyag na mandudula na si William Shakespeare. Mula pa lamang sa pamagat ay alam na natin na sina Romeo at Juliet ang mga pangunahing tauhan.

Sila ay binata at dalaga na nagmula sa magkalaban na angkan. Ngunit hindi nila inasahan na sila ay mahuhulog para sa isa’t-isa.

Tutol na tutol ang pamilya nang dalawa sa kanilang pag-iibigan ngunit hindi ito naging hadlang. Pasimple silang nagkikita at gumagamit ng iba-ibang paraan upang makapag-usap.