Katanungan
ilarawan ang pamaraang gerilya?
Sagot
Ang pamamaraang gerilya ay naging tanyag noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones sa ating bansa. Ito ay kung saan karamihan sa mga sundalong Pilipino, at maging na rin mga sundalong Amerikano, ay nagtungo sa mga kabundukan upang hindi sila mahuli at mabihag ng mga sundalong Hapones.
Doon sila nagtipon-tipon at nag-iisip ng mga stratehiya kung paano lilipulin ang mga mapang-abusong mananakop na Hapones.
Sa pamamaraang gerilya ay nagsasagawa sila ng biglaang pagsasalakay sa mga kampo ng mga Hapones. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano rin ay nagbibihag ng mga sundalong Hapones para sa mga impormasyon at makalanap ng mas madaming armas.