Ilarawan ang pamaraang Pilipino sa pagtatag ng kilusang HUKBALAHAP?

Katanungan

ilarawan ang pamaraang Pilipino sa pagtatag ng kilusang HUKBALAHAP?

Sagot verified answer sagot

Itinatag ni Luis Taruc ang HUKBALAHAP. Isa itong samahan at kilusan na nangangahulugang hukbong bayan laban sa hapon. Ito ay noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones.

Nagsimula ito sa Gitnang Luzon at ang pangunahing layunin ay kalabanin ang mapang-abusong pananakop ng mga hapones at mapalaya ang Pilipinas mula sa bihag ng Hapon.

Ang mga kabilang sa HUKBALAHAP ay ang mga magsasaka na naagawan at kinamkam ng lupain ng mga Hapones. Naging matagumpay naman kahit papaano ang kilusan.

Marami silang nabihag na mga sundalong Hapones. Marami rin ang napatay. Naging tahimik ang Gitnang Luzon dahil sa mga HUKBALAHAP at natakot ang mga Hapones sa kanila.