Katanungan
ilarawan ang paraan ng pag mamay ari ng lupa ng mga sinaunang pilipino?
Sagot 
Ang pagmamay-ari ng lupa ng mga sinaunang Pilipino ay hindi katulad ng pagmamay-ari ng lupa sa kasalukuyan. Kung ngayon ay kailangan mo ng pera upang makabili ng lupa, noon ay kailangan mo lamang itong linisin at magiging pagmamay-ari mo na.
Kung ang isang tao ang nagpaunlad o luminang sa lupaing ito, kabilang na ang paglilinis dito, ay maituturing nang sa kaniya ang lupain.
Dahil hindi pa naman uso ang konspeto ng real estate noon o pagbebenta ng lupa at lubhang napakarami pang lupain sa Pilipinas, ang mga ito ay parang pag-aari lamang na makukuha sa kalikasan. Kung masipag ka noon, tiyak na may sarili kang lupain.