Ilarawan naman si Rizal bilang isang mamamayang Pilipino?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ilarawan naman si rizal bilang isang mamamayang pilipino?

Sagot verified answer sagot

Si Jose Rizal noon ay isang mapagmahal, matalino, at may paninindigan para sa bayan. Ginamit niya ang kaniyang angking talino upang tulungan mamulat at makalaya ang ating bansa mula sa kamay ng mga mananakop o mga Espanyol.

Bilang Pilipino, ginampanan niya ang kaniyang pagiging makata, at nilabanan ang abuso ng mga mananakop. Dahil sa kaniyang galing, napakilos niya ang mga tao upang maghimagsik sa mga Espanyol.

Kahit iba ang pamamaraan o porma ni Rizal sa paglaban, mahalaga pa rin ang kaniyang naiambag sa lipunan ng Pilipinas noon, na isinapraktika ng mga rebolusyonaryo upang wakasan ang kolonyalismo at pananamantala sa mga Pilipino.