Ipaliwanag ang kahulugan ng Golden Rule?

Katanungan

ipaliawanag ang kahulugan ng golden rule?

Sagot verified answer sagot

Ang kahulugan ng golden rule ay tumutukoy sa isang moral na nagpapaalala sa bawat indibdiwal na tratuhin ang kapwa sa pamamaraang nais nitong tratuhin siya ng kanyang kapwa.

Ang golden rule ay itinaghal na ginintuang panuntunan dahil sa pagtataglay nito ng ginintuang aral ng paggalang, pag-aalaga, at pagmamalasakit sa bawat isa na siyang nagsilbing batayan ng lipunan upang mapangalagaan ang kultura at sibilisasyon.

Ang ginintuang panuntunan ay hinango sa mga turo ni Confucius na isang guro, pilosopo, at politiko na mula pa sa bansang Tsina.

Ang kanyang mga gawi ay nagbigay ng malaking ambag sa edukasyon at lipunan. Isama pa riyan na malaki ang pagpapahalaga niya sa pamilya at mga ninuno na silang nagsisilbing pundasyon ng pagkakabuo ng isang maayos na istruktura ng pamahalaan.