Katanungan
ipaliwanag ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa sambahayan at bahay kalakal?
Sagot
Sa larangan ng ekonomiks, inilalarawan ang pamilihan bilang isang lugar kung saan binebenta ang mga gawang produkto at mga serbisyo para sa konsumpsyon ng mga mamimili o mga mamamayan.
Malaki ang ginagampanan ng pamilihan sa mga sambahayan at bahay kalakal. Unang-una, sa sambahayan o mga bahay-bahay kadalasan nanggagaling ang mga demand para sa mga produkto at serbisyo.
Kung walang sambahayan ay maaaring walang maging produkto dahil walang bibili ng mga ito. Bahay kalakal naman ang tawag kung saan pinoproseso ang mga produkto upang maging yari o gawa na at maibenta sa pamilihan. Umiikot ang proseso ng paggawa sa bahay kalakal, pamilihan, at sambahayan.