Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba

Katanungan Sagot

Katanungan

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba

Sagot verified answer sagot

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na pagkakaisa sa gitna ng pagkakaibaAng pahayag na “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba” ay nangangahulugang ang mga tao, mayroon mang pagkakaiba sa maraming bagay tulad ng pananaw sa buhay, relihiyon, mga gusto at ayaw, at iba pang salik, ay nagkakaroon ng pagkakaisa sa gitna ng mga pangyayaring kinakailangan ng pagkakapit-bisig.

Nakalilimutan ng marami sa atin ang pagkakaiba-ibang ito at isinasantabi upang magbigay ng tulong sa iba at makiisa sa isang layuning lubhang makatutulong para sa nakararami.

Ang ugaling ito ng mga Pilipino ay nagpapakita ng disiplina at pagmamalasakit. Kayang kalimutan ng tao ang kanilang mga hindi napagkakasunduan upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayang nasasadlak.