Ipaliwanag ang mahalagang natutunan ng bilanggo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ipaliwanag ang mahalagang natutunan ng bilanggo?

Sagot verified answer sagot

Ipaliwanag ang mahalagang natutunan ng bilanggoAng mahalagang natutuhan ng bilanggo sa sanaysay ni Plato mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib ay ang hindi pagkakabulag sa mga kasinungalingan at pagkakamulat ng mata sa katotohanan.

Sa sanaysay, ang dilim sa yungib ay sumisimbolo sa kasinungalingang kinaroroonan ng mga tao. At sa pagkakatuklas niya ng totoo, nakita rin ng bilanggo ang liwanag sa labas ng yungib.

Idiniin ni Plato sa sanaysay na ang tao daw ay dapat laging hinahanap ang liwanag kung nasaan mang yungib naroroon. Ang ibig sabihin nito, hindi raw dapat humihinto ang tao sa pagtuklas ng katotohanan sa kaniyang paligid at maging maalam sa totoong nangyayari sa mundo.