Ipaliwanag ang mensaheng ibinahagi tungkol sa pagkakaibigan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ipaliwanag ang mensaheng ibinahagi tungkol sa pagkakaibigan?

Sagot verified answer sagot

Ipaliwanag ang mensaheng ibinahagi tungkol sa pagkakaibiganSa Epiko ni Gilgamesh, ang mensaheng ibinahagi tungkol sa pagkakaibigan ay kahit na hindi man naging maganda ang simula ng inyong pagkakaibigan, kalaunan, kung makikita ninyo ang inyong pagkakatulad at ang kabutihan ng bawat isa, magiging maayos pa rin ang samahan ninyo sa huli.

Sa kuwento kasi, hindi naging maganda ang simula ng pagkakaibigan nina Gilgamesh at Enkidu. Dahil kay Shamat, hindi naging maganda ang kanilang samahan at nagkaroon muna ng mga tunggalian.

Ngunit nagkasundo rin ang dalawa paglaon ng panahon. Ngunit unti-unting nagbago ang katauhan ni Gilgamesh nang maging kaibigan si Enkidu at marami ang nakapansin sa malaking pagbabagong ito lalo na pag-uugali ni Gilgamesh sa mga tao sa kaniyang paligid.