Ipaliwanag ang “O pag-ibig ‘pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang!”?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ipaliwanag po ito. Salamat

Sagot verified answer sagot

Ang taong umiibig ay gagawin ang lahat para sa kanyang iniibig mapasaya lamang ito kahit na ano pa man ang maging kaharapin nito ang ibig sabihin ng “O pag-ibig ‘pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang!”.

Ang pag-ibig isang damdaming masidhi na nararamdaman ng isang indibidwal sa kanyang kapwa. Ang damdaming ito ang nagtutulak sa isang tao na gawin ang lahat ng kaniyang makakaya at ibigay ang lahat ng mayroon siya upang mapasaya ang babae o lalaki na kanyang minamahal.

Ito ay may iba’t ibang klase. Nariyan ang eros na nabubuo sa pagitan ng dalawang indibidwal, storge na para sa ating pamilya, philia na para sa mga kaibigan, agape na para sa Amang Lumikha, at filial na uri ng pagmamahal ayon sa kapalit na naibibigay.