Ipaliwanag ang ritmo ng awiting binibining marikit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ipaliwanag ang ritmo ng awiting binibining marikit?

Sagot verified answer sagot

Ang ritmo ng awiting binibining marikit ay nakapagpapaindayog o nakapagpapaindak sa tagapakinig. Ang awiting ito ay patok na patok sa mga kabataan o millenials kung tawagin sa panahon natin.

Ito ay awiting nagpapahiwatig ng paghanga sa isang babae na mababata o inilarawan sa pamagat bilang marikit.

Ang awiting ito ay may parteng inaawit sa paraang rap kung kaya ay na-e-engganyo ang bawat makikinig nito na sumayaw o umindayog.

Isa marahil ito sa mga dahilan kung bakit tinangkilik ito ng mga kabataan. Tunay namang nakatutuwa ang ritmo ng awiting ito na siyang nakatutulong din na makapagbigay ng magandang kalooban sa nakikinig.