Ipaliwanag bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan

Katanungan Sagot

Katanungan

Ipaliwanag bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan

Sagot verified answer sagot

Ipaliwanag bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasanAng wika ang midyum ng pakikipagtalastasan dahil ito ang ginagamit upang maiparating at masabi natin ang ating saloobin.

Walang ibang mas mabisang paraan sa pakikipagtalastasan kung hindi ang paggamit ng mga wika. Sa pamamagitan ng mga nakaayos at organisadong mga titik, salita, pararila, at mga pangungusap, naipababatid ng mga tao ang kanilang saloobin, at nagkakaroon ng talastasan o pag-uusap.

Ang dalawang taong nag-uusap ay gumagamit ng mga salita para sa kanilang pag-uusap. Ang mga salitang mula sa kanilang mga kausap ay naipapasok sa isip at ang taong nagsasalita naman ay nailalabas ang kaniyang damdamin, ideya, at saloobin sa isang partikular na isyu o usapin.