Ipaliwanag kung bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ipaliwanag kung bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan?

Sagot verified answer sagot

Ang wika ay midyum sa pakikipagtalastasan o kuminikasyon dahil ginagamit natin ito para maging maayos at malinaw nating maiparating ang ating damdamin, saloobin at kaisipan.

Mahalaga ang wika dahil ito ay sumasalamin sa panahon at kulturang kinabibilangan ng isang tao. Isa rin itong mahalagang kasangkapan upang mapalawig at mapalaganap ang ating kaalaman.

Ang wika ay isang mahalagang instrumentong ginagamit ng isang tao upang makipag-usap sa kanyang kapwa. Ito ay ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan dahil sa pamamagitan nito ay ating naipapahayag ang ating saloobin at kaisipan.

Ang wika ay ginagamit natin para makipag-ugnayan upang ang dalawa o higit pang panig ay magkaunawaan at magkaintindihan.

Malalaman din natin sa pamamagitan kung ano ang gustong sabihin ng ating kapwa. Sa pamamagitan ng paggamit ng wika, ang bawat isa ay nagkakaintindihan at nagkakaunawaan.