Katanungan
IPALIWANAG walang sinuman ang pinakahigit na nakatataas sa batas?
Sagot
Ipinatupad ang mga batas upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay at magkaroon ng hustisya ang bawat mamamayan sa isang estado o bansa.
Ang pangungusap na “Walang sinuman ang pinakahigit na nakatataas sa batas” ay isang napakagandang pangungusap na nagpapakita ng kapangyarihan ng batas.
Sa ilalim ng batas ay pantay-pantay lamang ang mga mamamayan. Walang mayaman o mahirap. Kapag ikaw ay nagkasala, mapaparusahan kang patas nang naaayon sa batas.
Ang batas ang siyang nasusunod upang magkaroon ng mapayapa at matiwasay na pamumuhay sa isang estado. Walang tinitignan ang batas. Lalaki, babae, mayaman, mahirap, nasa pamahalaan man o hindi, ordinaryong mamamayaman—lahat ay pantay-pantay.