Katanungan
isa isahin ang mga katangian ng bawat estruktura at uri ng pamilihan na nabibilang dito?
Sagot
Ayon sa ekonomiks, mayroong iba’t-ibang estruktura at uri ng pamilihan. Unang-una, ang monopolyo ay isang uri ng merkado kung saan iisa lamang ang produser at may kontrol sa isang uri ng produkto o serbisyo at marami ang konsyumer.
Sa kabilang banda, ang monopsonyo naman ang kabaligtaran ng monopolyo. Mas marami ang produser sa monopsonyo kaysa sa konsyumer.
Kabilang rin ang tinatawag na oligapolyo, kung saan limitado ang parehong bilang ng mga produser at konsyumer.
Monopolistikong kompetisyon naman ang tawag sa uri kung saan ang mga produser na iisa lamang ang tinda ngunit kahit papaano ay may pagkakaiba o differentiated pa rin kung tawagin.