Isa isahin at ipaliwanag ang mabuti at di mabuting epekto ng MNCS at TNCS sa ekonomiya ng bansa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

isa isahin at ipaliwanag ang mabuti at di mabuting epekto ng mncs at tncs sa ekonomiya ng bansa?

Sagot verified answer sagot

Ang MNCS o multinational Corporations at TNCS o Transnational Corporations na mayroon ang isang bansa ay kapwa nagdudulot ng mabuti at di-mabuti sa ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga mabuting dulot nito ang pagkakaroon ng maraming oportunidad sa mga tao na nakatutulong upang mabawasan ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ang mga produkto ay mabibili sa mababang halaga dahil ang bilang ng dami ng kumpanyang nagbebenta ng produkto ay dumarami kung kaya ang kompetisyon ay makikita sa halaga nito, at maraming mapagpipilian ang mga konsyumer at manggagawa dahil na rin sa dami ng bukas na pamilihan at oportunidad.

Sa kabilang banda ang di magandang dulot nito ay pagkalugi sa ibang kumpanya na hindi kayang makipagsabayan sa iba, ang gawat sa pagitan ng mahirap at mayaman ay nakikita, at ang pagkakaroon ng malaking tax na binabayaran.