Katanungan
isa sa mga dapat taglayin ng isang mananaliksik?
Sagot
Ang mananaliksik o sa ingles ay researcher ay ang taong nagsasagawa ng isang pananaliksik. Ang mga katangiang taglayin ng mananaliksik ay:
Masipag – upang makakalap ng mga kaukulang datos na magagamit sa pagsisiyasat.
Matiyaga – upang mahimay at madagdagan ang mga ideya sa pananaliksik
Maingat – o ang kakayahang mabusising paghimay-himay sa mga impormasyon upang higit na mapabuti ang pananaliksik. Ito rin ang kakayahang dapat taglayin kung nangangalap ng mga validasyon. Sistematik na kung saan nasusunod dapat ang mga hakbang.
Mapanuri – na mahalaga sa pag-iiksamen ng iba’t ibang datos.
Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat hinggil sa isang paksa kung kaya nararapat na ang mga mananaliksik ay taglayin ang mga nabanggit na katangian.