Katanungan
isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. ano ang totoo sa pananaw na ito?
Sagot
Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa.
Ang totoo sa pananaw na ito ay ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.
Ang pagpasok ng globalisasyon ay nagbigay ng oportunidad sa bawat indibdiwal na makapaghanap ng mas mabuting oportunidad sa larangan ng paggawa alinsunod sa pagkamit ng minimithing kaginhawaan.
Kaya naman, ang globalisasyon bilang nakaugat sa bawat isa ay ang isang motibasyon na nag-udyok sa mga indibdiwal na makipagkalakalan sa iba’t ibang lugar o bansa upang makatagpo ng magandang oportunidad na makatutulong sa pagkamit ng mithiing maisaayos ang sariling buhay at ng pamilya.