Nagkaroon ng kabiyak ang isang babaeng mangangalakal na isang manlalakbay. Lagi siyang iniiwan nito dahil kailangang pumunta sa iba’t ibang bansa.
Dahil dito, nahulog ang loob ng babae sa isang lalaking mas bata sa kaniya. Gayunman, nakulong ang lalaki kaya naman gumawa ng paraan ang babae para makalaya ang lalaki.
Lumapit siya sa limang lalaki upang tulungan siya. Ngunit lahat ng lalaking ito ay hiniling ang kaniyang katawan kapalit ng tulong nila.
Pumayag naman siya ngunit may plano siya para sa limang lalaki. Nagpagawa siya ng isang malaking kabinet sa karpintero, isa sa lalaking nilapitan niya. Gumawa ito at dinala sa kaniyang bahay.
Pinapunta niya ang limang lalaki sa magkakasunod na oras kaya halos magkakasunod rin silang dumating sa bahay ng babae. Unang dumating ang cadi. Pinaghubad na siya ngunit biglang may kumatok. Sabi ng babae ay asawa niya raw iyon kaya nagtago ang lalaki sa cabinet.
Dumating din ang pulis. Gumawa muna ito ng kasulatang pinapalaya na ang lalaking sinabi niyang kapatid niya lamang pero karelasyon niya.
May kumatok at pinapasok din ang lalaki sa kabinet. Sunod na dumating ang vizier at hari at ganun din ang nangyari at nagtago sila sa cabinet dahil may kumatok.
Dumating ang karpintero at sinabi ng babae na may kailangang ayusin sa loob ng cabinet. Nakulong ang limang lalaki sa loob habang nakalaya naman ang lalaki dahil sa kasulatan. Nag-ingay ang lima upang makatakas sa pagkakakulong. Hiyang-hiya naman sila sa kanilang ginawa.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Isang Libo’t Isang Gabi. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!