Katanungan
isang mahusay na mananalumpati?
Sagot
Orador, o orator sa salitang Ingles, ang tawag sa isang taong mahusay na mananalumpati.
Ang pagtatalumpati ay isang larangan ng sinig kung saan naghahayag ang isang tagapagsalita ng kanyang kalaaman tungkol sa isang paksa. Layunin ng isang talumpati na hikayatin ang damdamin at isipin ng mga manunuod.
Ang pagiging isang mahusay na mananalumpati ay hindi biro. Isa sa mga katangian ay ang pagkakaroon ng malakas na boses.
Mahalaga rin ang tindig o pagtayo ng isang mananalumpati. Dapat ay maayos ang kanyang pananalita, klaro ang kanyang pagbigkas, at maiintidihan siya ng sinumang makakarinig sa kanya. Siya rin ay dapat may kakayahan na ipaabot sa kanyang manunuod ang damdamin na kayang nais iparating.