Isang matandang katawagan sa orasyon ng sinaunang tao ang?

Katanungan

isang matandang katawagan sa orasyon ng sinaunang tao ang?

Sagot verified answer sagot

Isang matandang katawagan sa orasyon ng sinaunang tao ang bulong.

Ang bulong ay nabibilang sa mga katutubong panitikan ng bansa na maituturing na yamang nagpapasalindila sa bawat henerasyon.

Ito ay madalas gamitin ng mga sinaunang ninuno sa nagdaang mga panahon subalit magpahanggang sa ngayon ay patuloy na ginagamit sa mga lalawigan o probinsya.

Ang bulong ay itinuturing ding orasyon na pinaniniwalaang nakapagbibigay babala sa mga hindi nakikitang nilalang upang maiiwas ang tao na makasakit sa kanila sapagkat ayon sa mga paniniwala ang sinasadya at di-sinasadyang pananakit ay may mabigat na ganti mula sa mga ito. Ang bulong ay pinaniniwalaang mabisang panggagamot ng mga albularyo.