Isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan?

Katanungan

isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan?

Sagot verified answer sagot

Ang isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan ay tinatawag na dula.

Ang dula ay ipinapamalas ng isang aktor o aktres ng teatro sa tanghalan, at ipinakikita ang isang buhay ng indibidwal o hango sa totoong buhay na kaganapan.

Isa itong uri ng panitikan at paraan ng pagke-kwento sa malikhaing sining. Itinatanghal ito nang malikhain sa harap ng maraming tao at inilalarawan o ipinakikita ang damdamin ng partikular na indibidwal o grupo, o kaya isang kasaysayan ng isang lipunan, upang mas ma-enganyo ang mga manunuod.

May iba’t-ibang uri rin ng dula, ang: komedya, parsa, parodya, trahedya, melodrama, at proberbyo.