Katanungan
isang pangyayari sa kabihasnang mycenaean?
Sagot
Isa sa mga mahahahalagang kaganapan na nangyari sa kabihasnang Mycenean ay ang pag-usbong ng tinatawag na Dark Age o ang Madilim na Panahon.
Ang kabihasnang Mycenean ay isa mga kauna-unahang nagtagumpay sa pagsakop sa Isla ng Crete sa Greece. Sila ang sumunod sa pamumuno ng kabihasnang Minoan sa Europa.
Ngunit hindi rin nagtagal ay nasupil din ang paghahari ng kabihasnang Mycenean. Ito ay matapos silang atakihin at kalabanin ng mga Dorians.
Mula sa Bronze Age kung saan maunlad ang kabihasnan ay bumagsak ito at naging Dark Age. Natigil ang pangangalakal ng kabihasnan at nakipagdigmaan na lamang sila para sa kanilang kalayaan. Kalaunan ay natalo rin sila at nagwagi ang mga mananakop na Dorians.