Katanungan
isang pulo sa pilipinas na pinaniniwalaang lugar kung saan ginanap ang unang misa?
Sagot
Ito ay sa Mazaua o Limasawa. Sa kasalukuyang panahon ay matatagpuan na ito sa Leyte.
Sinasabi ng mga tao na dito rin isinilang ang katolisismo sa bansa kaya naging kilala ito dahil maraming deboto sa relihiyon.
Ang kauna-unahang misa ay mahalaga rin sa mga katoliko dahil ito rin ang pinagmulan ng mga misang iginaganap nila hanggang ngayon.
Ang unang misa ay pinamunuan ni Fr. Pedro Valderrama sa ilalim ng utos ni Ferdinand Magellan upang maipalaganap nila ang relihiyon sa bansa.
Ito rin ang pinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang relihiyong katolisismo upang tuluyan nilang masakop ang bansa at gamitin ito bilang pamumuno.