Katanungan
isang tanyag na pintor na malikhain sa kanyang obra gamit ang liwanag na aspeto ng sining na nagpapakita ng kalikasan at mabagal na galaw ng buhay sa bukid?
Sagot
Ang tanyag na pintor na si Fernando Amorsolo ang may likhang sining kung saan ginamit niya ang liwanag na aspeto ng sining upang ipakita ang kalikasan at mabagal na galaw ng buhay sa bukid.
Ang kanyang obra na ito ay pinamagatan niyang “Dalagang Bukid”. Lumaki sa bukirin si Fernando Amorsolo kaya naman nagkaroon talaga siya ng inspirasyon para sa kanyang likhang sining.
Si Amorsolo ang kauna-unahang nakatanggap ng National Artist award na iginawad noon ni dating Presidenteng Ferdinand Marcos.
Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring mga mamamayang Pilipino ang mangha sa kanyang sining. Ang kanyang pinintang larawan ay talaga naman nagpapakita kung gaano kasimple ang buhay.