Katanungan
isang tubo o kanal na nagdadala ng tubig?
Sagot
Ang aqueduct ay ang tubo o kanal na nagdadala ng tubig mula sa isang pinagkukunan.
Ang aqueduct o akwedukto ay hango sa salitang kastila na acueducto na ang ibig sabihin sa tagalog ay paagusan. Sa kasaysayan, ito ay isang uri ng istrukturang tulay na dinisenyo upang makapaghatid o makapag-padaloy ng tubig mula sa pinagkukunan patungo sa mga kabihasnan.
Sa kasalukuyang panahon partikular na sa usaping inhenyeriya, ang aqueduct o akwerdukto ay tumutukoy sa anumang Sistema ng patubig kung saan ang mga pangunahing ginagamit ay kanal, lagusan, tubo, at iba pang istruktura na ang pangunahing layunin ay makapaghatid ng tubig sa mga pamayanan.