Isang uri ng tekstong kung saan ang paraan ng pagpapahayag ng mga impormasyon ay sa paraang obhektibo?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

isang uri ng tekstong kung saan ang paraan ng pagpapahayag ng mga impormasyon ay sa paraang obhektibo?

Sagot verified answer sagot

Tekstong impormatibo ang isang uri ng tekstong kung saan ang paraan ng pagpapahayag ng mga impormasyon ay sa paraang obhektibo.

Mula sa pangalang nito, ang tekstong impormatibo ay naglalayon na maglahad ng mga impormasyon, datos, at iba pa na walang halong opinyon.

Kaya naman obhektibo ang tono nito. Pawang katotohanan lamang ang nilalaman ng mga tekstong impormatibo. Halimbawa ng mga tekstong impormatibo ay katulad ng mga balita na ating mababasa sa mga dyaryo.

Ang mga balita ay mga pangyayari na nagaganap sa totoong buhay. Hindi ito maaaring maging kuro-kuro o kathang-isip lamang. Iyan ang ibig sabihin ng mga tekstong impormatibo.