Isiping mabuti kung ano ang pinakamalaking impluwensya ng pamilya mo at iyong komunidad sa paraan ng iyong pag iisip tungkol sa iyong lipunan?

Katanungan

isiping mabuti kung ano ang pinakamalaking impluwensya ng pamilya?

Sagot verified answer sagot

Isa sa pinakamalaking impluwensya ng aking pamilya sa aming komunidad sa paraan ng aming pag-iisip tungkol sa lipunan ay ang walang sawa naming pagbibigay suporta at tulong para sa aming mga kapwa.

Lalo na ngayong kapanahunan ng pandemya, maraming pamilya ang apektado. Mapa-hanapbuhay nila o dahil sila ay tinamaan ng sakit.

Ang aking pamilya ay laging handang sumuporta sa kung ano man ang kanilang itataguyod na negosyo. Karamihan ay nagtitinda na ng pagkain o iba pang mga kagamitan.

Ang aking pamilya ay bumibili sa mga maliliit na negosyong tulad ng nabanggit upang kahit papaano ay makatulong sa kanilang mga gastusin.