Itinuturing na pamayanan ng mga mandirigma?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

itinuturing na pamayanan ng mga mandirigma?

Sagot verified answer sagot

Sparta ang tawag sa pamayanan ng mga mandirigma. Ang Sparta ay isang estado na itinayo ng mga Dorian na matatagpuan sa Peloponnesus na makikita sa bahaging timog ng Gresya.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan dito. Subalit dahil sa paglobo ng populasyon ng mga naninirahan dito, sinimulan ng mga Spartan ang pananakop o pagpapalawak ng kanilang mga nasasakupang lupain.

Ito ay nagsimula taong 500 BK. Ang bawat Spartan ay sinasanay mula pagkabata pa lamang na kung saan bawat sanggol na isinisilang ay sinusuri na kapag nakitang mahina ang sanggol, ito ay walang awing ipinapapaslang sa pamamagitan ng paghuhulog sa bangin.