Ito ang banal na templo ng mga Sumerians?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ito ang banal na templo ng mga sumerians?

Sagot verified answer sagot

Ito ay tinatawag na Ziggurats. Ang ziggurats ay isang sinaunang templo na mataas upang mas malapit sa mga Diyos na pinaniniwalaan noon at pinaniniwalaan nila na konektado itong templo sa langit.

Binuo itong ziggurat para sumamba sa kanilang Diyos ng kalunsuran. Ang unang gumamit nito ay mga Sumerians, sumunod ang mga Akkadians, Babylonians, at Assyrians.
Ang pinakasikat na ziggurat ay ang “tower of Babel” na nailagay sa parte ng Genesis sa bibliya. Sa kasalukuyang panahon, mayroong 25 na ziggurats sa Iran at Iraq.

Nananatili pa rin ito doon upang mapreserba at maipakilala sa iba pang henerasyon ang mga templo sa kasaysayan.