Katanungan
ito ang batayang paniniwala ng mga hapones hinggil sa pinagmulan ng kanilang emperor at bansa?
Sagot
Ang batayang paniniwala ng mga hapones hinggil sa pinagmulan ng kanilang emperor at bansa ay tinatawag na Divine Origin.
Ang divine origin ay isang teoryang pinaniniwalaan ng mga hapones sapagkat ayon rito ay katangi-tangi ang kanilang pinuno at bansa.
Ito ang nagsilbing batayan upang maikintal sa isipan nila na ang kanilang emperador ang siyang natatanging pinakamakapangyarihan sa lahat kung kaya ang bansa nila ang nararapat na kilalaning superyor sa lahat.
Ayon sa mga tala, ang teoryang ito marahil ang nag-udyok sa kanila upang sakupin ang kontinente ng Asya na nasa ilalim ng programa ng bansa na tinatawag na Greater East Asia Copresperity Sphere.