Katanungan
ito ang distansya na tumutukoy sa kung gaano katagal ang paglalakbay?
Sagot
Ang oras ay ang distansya na tumutukoy sa kung gaano katagal ang paglalakbay. Ang oras ay tumutukoy sa panahon o tagal ng isang paglalakbay na siyang nagdidikta kung gaano katagal ang nagugol na panahon ng isang indibidwal upang maisagawa ang isang paglalakbay ayon sa tiyak na distansiya.
Dahil rin sa tulong nito, nabibigyang ideya ang isang indibidwal sa layo ng lugar na nais niyang patunguhan.
Sa kabilang banda, ang oras ay kinapapalooban ng isang malawak na konsepto na maaaring magamit sa iba’t ibang paraan.
Bukod sa pagtatakda ng layo ng isang lugar, ito rin ay magagamit sa pagbibigay ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito.