Ito ang Hanging Nakakaapekto sa mga Bansa sa Indian Subcontinent?

Katanungan

Ito Ang Hanging Nakakaapekto Sa Mga Bansa Sa Indian Subcontinent. Ano ito?

Sagot verified answer sagot

Ang tinaguriang South Asian Monsoon ay ang hangin na nakakaapekto sa mga bansa sa Indian subcontinent. Ito ay sa kadahilanan na ang Indian subcontinent ay nasa parteng timog ng Asya, sa wikang Ingles ay South Asian.

Bukod sa India, ang iba pang nakapalibot na bansa sa subcontinent na ito at apektado ng hangin ay ang Sri Lanka, Bangladesh, Bhutan, Nepal, at Pakistan.

Ayon sa mga dalubhasa, ang hangin ay nakakakuha ng lakas mula sa South China Sea at Bengal Bay, na siya namang nagdudulot ng tubig-ulan sa mga nasabing bansa. Itong hangin ay tinatayang dumarating tuwing buwan ng Mayo hanggang Hunyo.